Question
Ano ang masasabi at ang argumento mo tungkol dito? EDITORYAL - nCoVphobia Nadagdagan pa ang mga bansang may namatay dahil sa nobel coronavirus (nCoV). Isa
Ano ang masasabi at ang argumento mo tungkol dito?
EDITORYAL - nCoVphobia
Nadagdagan pa ang mga bansang may namatay dahil sa nobel coronavirus (nCoV). Isa ang namatay sa Hong Kong at isa rin sa Bangkok. Dito sa Pilipinas, isa na ang namatay.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang biktima ay isang 44-anyos na Chinese at naging companion ng 38-anyos na babaing Chinese na unang nag-positive sa nCoV. Ayon sa DOH, galing Wuhan City sa China ang lalaki. Ang Wuhan ang epicenter ng nCoV outbreak na sa kasalukuyan ay 400 na umano ang namamatay.
Ang pagkamatay ng lalaki ay nagdulot naman ng pangamba sa marami at nag-panic sa pagbili ng face mask. Halos lahat ng mga naglalakad sa kalye ngayon ay naka-face mask sa takot na mahawa sa nCoV.
Bago pa ang balita sa pagkamatay ng Chinese, marami na ang dumagsa sa mga tindahan ng face mask sa Bambang, Sta. Cruz para makabili ng face mask. Mayroong nakipagbalyahan para lamang makasiksik sa pila ng mga bumibili ng face mask. Mayroong nagmumura dahil nauna siya sa pila pero siya ang huling nabigyan ng face mask.
Mayroong eskuwelahan na pinagbawalan ang mga estudyanteng Chinese na pumasok sa klase sa takot na mahawahan ng nCoV. Mayroon pang nagtatanong kung dapat ba siyang magsuot ng face mask kahit nasa bahay. Mayroon din namang nakasuot ng face mask kahit nagmamaneho ng kotse.
Marami ang nagka-nCoVphobia. Sabagay, karaniwan na lamang ang ganitong nararamdaman dahil nakakatakot na mahawahan ng sakit. Pero sabi ng DOH, hindi naman daw dapat mag-panic.Hindi raw dapat makipag-unahan sa pagbili ng face mask ang mga tao.
Payo ng DOH, ipaubaya ang pagsusuot ng face mask sa mga nasa front liner o mga hospital workers. Sila ang dapat naka-face mask sapagkat sila ang nakaharap sa mga pasyente.
Payo pa ng DOH, kailangang palakasin ang immune system para hindi mahawa ng sakit. Kumain nang masustansiyang pagkain at panatilihin ang kalinisan sa katawan. Laging maghugas ng kamay upang hindi kumalat ang sakit. Hindi raw dapat mataranta, matakot at mag-panic ang mamamayan!
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/02/06/1990773/editoryal-ncovphobia
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access with AI-Powered Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started