Question
LAYUNIN: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN-la-b-1) A. ARALIN
LAYUNIN: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN-la-b-1)
A. ARALIN SA ARAW NA ITO:
Maghinuha ng kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
PANIMULA
Ang mga kuwentong bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasadila o pasalita Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na pasalin-saling ikinuwento ng mga tao kaya di na natitiyak kung sino ang kumatha. Ang paksa nito'y maaaring tungkol sa nuno sa punso, aswang, kapre, hari at reyna . Maaari ring ang tauhan ay kumakatawan sa marunong na lalaki o kaya sa isang hangal na babae. Kaugnay nito ang alamat o mga mito. Ang layunin nito'y maglibang at magbigay ng aral sa mga mambabasa
Ang panimula, gitna at wakas ng salaysay ay taglay rin ng kuwentong bayan. Makatotohanan
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Sa simula pa lang ng kuwento ay ipinakikilala na ang pangunahing tauhan Mahihinuha ang tagpuan ng kuwento sa mga katawagan sa tauhang ginamit. Ito ay mayroong apat. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Alamat. Ito ay tungkol sa mga kwento kung paano nabuo a kung saan ang pinanggalingan ng isang bagay, tao o hayop
2. Mito. Ang mga kwentong ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang
papel sa mga nilalang 3. Pabula. Kwento ng mga hayop na kapupulutan ng aral. Karaniwang ipinapakita dito ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.
4. Parabula. Mga kwentong maaring totoong nangyari o hindi pero kapupulutan ng aral
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started