Answered step by step
Verified Expert Solution
Question
1 Approved Answer
PAGSUSURI NG AKLAT (BUOD NG KWENTO) TAGALOG IV. Implikasyon 1. Kalagayang panlipunan/pambansa 2. Kalagayang pangkabuhayan 3. Kalagayang pansarili V. BuodSanga sa Basang Lupa Kasabay ng
PAGSUSURI NG AKLAT
(BUOD NG KWENTO)
TAGALOG
IV. Implikasyon 1. Kalagayang panlipunan/pambansa 2. Kalagayang pangkabuhayan 3. Kalagayang pansarili V. BuodSanga sa Basang Lupa Kasabay ng pagbitiw ni Mang Lito sa kuliling upang manubig sa magaspang na pader na may "POST NO BILLS," nakarinig siya ng sirena ng trak ng bumbero. Isa-isang naglabasan ang mga bata mula sa kabahayan. Inabangan nila ang pagdaan ng trak habang nagtatanggal ng muta at nangungulangot. Hindi matanaw ang usok na tinutungo ng ingay. Matagal ang sirena ngunit hindi dumaan sa abot tanaw na kanto ang trak. May nakapansin sa mahaba at sanga- sangang bakas ng basang lupa. Tinunton iyon ni Tony. Kumukuliling na muli si Mang Lito. "Ayskrim!" Takbuhan ang mga bata. Hindi matunaw ng alas-tres na araw ang ngiti ni Mang Lito, nagpapasalamat sa nasunugan, sa tumawag sa mga bata. Wala lang sanang nasaktan. Bilang buena mano sa hapong iyon, dinagdagan ni Mang Lito ng isa pang iskup ang binili ni Tony. Alam niyang may ubo ang bata, pero ano ba naman ang tuwang katumbas ng ice cream? "Mang Lito, paano naman kami? Andaya naman ni Tony!" "Ineng, malulugi naman ako kung lahat kayo." "Sige na, may pasok na kami bukas, hindi kami makakabili ng ayskrim ninyo." "Ako ho, Mang Lito, pang-umaga. Daan uli kayo bukas, ha?" "Basta ikaw." Bago pa natuyo nang husto ang ihi ni Mang Lito, nangalahati na ang mga galon ng tinda niyang ice cream.\f\fSANGA SA BASANG LUPA at iba pang kuwento Wala nang ilaw sa mansiyon. Nakiramdam si Mang Lito. Lumalakas ang awit ng mga kuliglig at palaka. Hindi niya alam kung sariling paglalakad ang naririnig kaya huminto siya sandali. May huminto ring yabag sa di-kalayuan sa mansiyon, budon an brag "Mang Lito, napaano ho ang binti ninyo?" anofnorm "Nadapa ako kagabi." "Si Devil Dog na naman, ho?"gantfinmwanga "Hindi, Tony, madilim lang sa amin. Hindi na kasi inayos ang ilaw sa poste." meorlagna gao gustan nall! "Maliwanag naman kagabi, ah! Walang brown-out! Nagtaguan nga kami nina Marko at Cecil." "Ginabi kasi ako ng uwi." of Jose ce gunnint in "Bakit mukhang sakmal ang sugat ninyo?" and (ianira "O, tama na, hetong ayskrim mo. Baka magalit na sa akin ang inay mo. Hindi na gumaling ang ubo mo, magbabakasyon pa naman. "Si Helen po hindi na talaga papasok? Nami-miss na namin siya, eh. Sana dalhin na lang niya si Nestor sa eskuwela. Kami rin, mag-aalaga sa kanya. Papayag si Mrs. de los Santos. Marami rin siyang anak na dinadala sa klase. Minsan nga kami pa ang naglilinis ng ihi at tae." Nag-aalala si Helen na baka magising si Nestor sa ingay mula sa mansiyon. Umaatungal ang aso, tila hinahagupit o kayay sinasakal. | an endtulain gne myin an gintell .ota Nananaginip na naman si Nestor, umuungol, sumisinghap-singhap. May ibinubulong. Sinasagot siya ni Helen, kunwa ay nauunawaan nito ang kapatid. Tumatahimik muli si Nestor kapag nararamdamang may bisig sa kanyang tabi, may palad na humahagod sa kanyang ulo.SANGA SA BASANG LUPA Nakatakas na naman palabas ng rehas na bakod si Sheila. Pinahimbing ng malamig na anggi sa bintana ang kanyang yaya. Makikipagkita siyang muli kay Nestor. Kipkip ang Barbie doll at ang nakaplastik na mga lutuan at kubyertos na laruan, nagtatakbo siya papunta sa barong-barong nina Mang Lito. Kinakalap ni Aling Monica ang mga sampay na hindi pa natutuyo nang matanaw niya ang batang babae. cy "Sheila, anak, uulan nal Bakit nasa labas ka?" Inart "Si Nestor ho, nariyan?" "Natutulog kanina. Sumilong ka nga rine't tingnan mo. Baka magkasakit ka niyan." Pagpasok nilang dalawa ay bumuhos bigla ang malakas na ulan. Naalimpungatan si Nestor. Lumapit si Sheila sa kanya habang siya'y naghihikab. "Hmmph! Ambaho ng hininga mo, Nestor! Magsepilyo ka nga!" Napaubo si Nestor at sabay na nagtawanan ang dalawang bata. Isinara ni Aling Monica ang pintuan at bintana at sinubukang buksan ang radyo. "Wala naman daw hong bagyo, sabi ni Ernie Baron kagabi." "Siya nga, anak?" Pinihit-pihit ni Aling Monica ang radyo. Panay lagaslas lamang ang kanyang nakuha. "Nay, sira pa rin iyan." "Paano ka makakauwi niyan, Sheila?" .call in ojam! "Hindi naman magigising si Yaya. Mamaya pa. Kahit nga bumusina sina Daddy hindi pa rin iyon magigising, basta may ulan. Maglalaro muna kami ni Nestor ng bahay-bahayan, puwede po ba?" "O siya, sige. Pero pagtila ng ulan ihahatid na kita ha?" Itinabi muna ni Aling Monica nang maayos ang mga\fStep by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started