Question
PANUTO 1: Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay katanggap-tanggap at MALI kung ito ay hindi mo sinasang-ayunan. 1. Ang pagiging etikal ay tumutukoy
PANUTO 1: Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay katanggap-tanggap at
MALI kung ito ay hindi mo sinasang-ayunan.
1. Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat at
mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao.
2. Sa preliminaryong pahina ng pananaliksik ay mayroon lamang dalawang blangkong
papel.
3. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa dalawang refereed
journal upang tiyak na matanggap ito.
4. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang magmukhang
malalim ang pananaliksik.
5. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung nakuha
naman ito sa hindi kilalang blogsite sa internet.
PANUTO II: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang plagiarism o
HINDI plagiarism sa sagutang papel.
6. Ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang
pag-aaral sa dalawang magkaibang refered journal para sa publikasyon.
7. Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto.
8. Ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang
sapat na pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito.
9. Ang pagsusumite ng papel o anomang produkto nang sabay sa iisang kurso.
10. Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
PANUTO III: Basahing mabuti at tukuyin ang sagot sa bawat pangungusap. Isulat
sa sagutang papel ang napiling sagot.
11 - 13. (Preliminaryong Pahina)
11. Pahina ng pagkumpirma at pagtanggap ng mga komite ng pananaliksik.
12. Dito mababasa ang mga nais pasalamatan ng mananaliksik.
13. Makikita dito ang nilalaman ng papel at pahinang kung saan ito matatagpuan.
14 - 16. Ano-ano ang nakalagay sa pahina ng pamagat?
17 - 20. (Kabanata I - Nilalaman ng Pananaliksik)
17. Dito isinasaad ang sariling konsepto ng mananaliksik tungkol sa pag-aaral.
18. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang ginamit sa pag-aaral.
19. Mababasa dito ang sakop at lawak ng pananaliksik, ang simula at hangganan ng
pag-aaral.
20. Dito matutukoy ang kaligiran ng pag-aaral.
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started