Question
TULA # 1 CHAT Sinasangkutsa ang utak ng birtwal na realidad, walang lutong ang halakhak sa loob ng chat group , HAHAHAHA...! hindi kayang basagin
TULA # 1
CHAT
Sinasangkutsa ang utak
ng birtwal na realidad,
walang lutong ang halakhak
sa loob ng chat group,
HAHAHAHA...!
hindi kayang basagin
ang birheng pandinig
ng tawang nababasa lang ng mata!
hindi ko makita
pagmamapa ng maraming gatla
sa nababanat mong mukha
kapag ngumiti ka...
wala nang alingawngaw
ang mga salita
sumasagka sa bunganga
ang pinindot na letra
papupurulin ang talim ng dila
hanggang sa mapipi -
talamitang diwa
ng taginting-bungisngis
ng birtwal mo ng mga tawa!
TULA # 2
WEBINAR
Inaangat
antas ng galing
sa palihan ng talino,
habang nakaselda
katawang lupa
sa kulungang likha
ng pandemya.
ang mahalaga
busog ang isip;
ehersisyo ng utak ang
makinig sa talamitang
diwa ng mga henyo,
doktorado
masterado
at ilan pang pinagpalang
edukado - na ang problema'y
problemahin ang problema
ng problemadong mundo.
produktibo ang maghapon;
isa, dalawa hanggang apat
sertipikado kang lumapat
pumakat sa pag-apuhap
ng paksa at tema,
basta't malakas ang internet
mapa-zoom, ms teams
at google meet,
laging mag-attendance
sagutin ang survey
at huwag kalimutang
magpa-picture
para sa facebook
meron ka ng "my day"
at kung ayaw maistorbo
sa gawaing domestiko
maging sopistikado,
i-mute ang mic
i-off ang videocam o camera
at 'yan pwede ka ng mag-zumba
o maglakad-lakad
kasama ang pet sa kalsada
o kaya'y makitsika
kay Maritess na makating-dila
'di nila maaamoy ang ginigisa
ng nilulutong ulam
o inihahandang pulutan;
TULA # 3
ZOOM
'Sing layo ng pagkatuto
ang aking pag-iral,
walang talamitang puso
ang birtwal na paglagak
ng talino sa 'king utak.
Kinakapa ng daliri
tiklado ng keypad
habang hinahanap
sa sikmura ng monitor
ang mukhang nilamon
ng pag-aatubili;
otorisadong tinig
sa aking pandinig
ang pumapatay sa dating
ingay ng klase;
pinipipi ng mute icon
ang aking kadaldalan,
wala na ang huntahan
wala nang halakhakan
wala nang malusog
na pagtatalamitan
parang hangin lang na dumaan
ang karunungan...
Gabay na katanungan:
1. Ilahad ang paksang-diwa (Main Topic) ng mga binasang Tula.
2. Ano ang kaligirang pangkasaysayan na mababasa sa akda? Hinuhain (bigyan ng palagay) ang dahilan ng may akda sa pagkakasulat ng mga naturang tula? Ano ang kinalaman ng kaligirang pangkasaysayan kung paano o bakit naisulat ng otor ang mga tula? Ipaliwanag.
3. Bilang bumabasa ng tula, husgahan ang "estetikal na dating" (pamantayan ng kagandahan) sa inyo ng tula ayon sa mga sumusunod na pamantayan: porma ng pagkakasulat, nilalaman o content, relevance o kahalagahan nito sa politikal, ekonomikal at kultural na aspeto. Pangatwiranan
4. Sa Tatlong Tula; humalaw ng pahayag na tumatak sa inyong isip. Ipaliwanag ito.
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access with AI-Powered Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started