Question
Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga By RESIDENTPATRIOT Lokasyon ng Angeles sa Pampanga Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa
Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga"
By RESIDENTPATRIOT
Lokasyon ng Angeles sa Pampanga
Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa buong Pilipinas dahil ang itlog na dala mo mula sa iyong bayan ay magiging "ebun" pagdating sa amin. Ang kapampangan kasi ng itlog ay "ebun" na katunog ng "ibon". Ang korni ano? Hindi ko inimbento 'yan ha?
Naging kilala dati ang aking lungsod bilang bagsakan ng mga PX goods, kuta ng mga sundalong Amerkano at pugad ng mga panggabing bahay aliwan.
Malaki na ang ipinagbago ng aking lungsod mula ng pumutok ang bulkang Pinatubo
at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerkano ang kanilang base militar sa aming
bayan. Dahil sa pangyayaring ito, natagpuan ng aming bayan ang mga bagong
oportunidad para sa ibang uri ng hanapbuhay na hindi umaasa sa mga banyagang
sundalo.
Ang aking lungsod ngayon ay mas marami ng maihahandog sa mga nais bumisita
rito. Dayuhan man o kababayan ay pawang matatagpuan ang mga bagong
karanasan na maihahandog ng aming bayan.
Nayong Pilipino Clark
Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa aming bayan ay matatagpuan
sa loob ng Clark (ang dating base militar ng Amerika sa Pampanga) gaya ng: Nayong
Pilipino, sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air
balloon) na ginaganap taun-taon, ang mga resort, palaruan ng golf, piknikan, at kung
mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark. Siyempre,
meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.
Lumang Mansyon ng mga Pamintuan
Ang iba pang mga matatandang gusali ay ang Bale Herencia (ginawa: 1860), Camalig
(ginawa: 1840), Bale Matua (ginawa: 1824) at ang isa mga pinakamatandang
simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula
nuong 1877 hanggang 1896.
Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga at iba pang mga pagpapamalas (exhibit) tungkol sa kasaysayan ng Angeles.
Hindi tinaguriang Kapital ng Pagluluto sa Pilipinas ang aming lalawigan ng walang dahilan. Kaya nga maraming matatagpuang masasarap na kainan sa aming lungsod. Gusto mo ba ng inihaw, pagkaing dagat o katutubong lutong Pilipino at Kapampangan? O 'di naman kaya ay mga pagkaing Intsik, Koreyano, Mongolyan, Hapon, Amerkano, Italyano at iba pang putaheng banyaga? Kahit ano pa ang trip mong pagkain (basta totoong "pagkain" ha?), malamang meron kami n'yan.
Mga nagpipinetensya tuwing Mahal na Araw
Makikita din sa aming bayan at sa kalakhan ng Pampanga yaong mga nagpapahirap sa kanilang mga sarili tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung tawagin sila ay mga nagpipinetensya.
Madalas dayuin 'di lang ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa ibang bansa ang taunang pagpapahirap sa sarili na ito, ngunit sana nga ay mahinto na ang tradisyong ito balang araw dahil nagiging idolo sila ng ilang mga kabataan.
Halimbawa ng isang Koreyano
Dumami na rin ang mga Koreyanong naninirahan sa aming bayan. May mga ilan na panandalian lamang ang pananatili at meron din namang mga pangmatagalan.
Sa dami ng mga Koreyano ay nakagawa na sila ng sarili nilang komunidad sa aming bayan. Nakapagtayo na sila ng mga pamilihan, kainan, paaralan at pook sambahan sa napakaliit naming bayan. Marami sa mga kabataang Koreyano sa amin ay mga estudyanteng nag-aaral ng Inggles.
Daan papuntang Clark
Ang pagpapabuti sa Paliparan ng Diosdado Macapagal ay maghahatid ng ibayong
interes sa komersyo sa aming bayan na maghahatid ng bagong mga oportunidad sa
negosyo at lilikha ng mga bagong trabaho na mag-aangat naman sa kaledad ng
buhay ng mga mamamayan sa aming bayan. Plano pa lang lahat 'yan subalit marami
ang naghahangad na ang mga ito ay matupad.
Halimbawa ng sikat na Kapampangan
Hindi rin kami nagpapahuli sa mga sikat kagaya nina Lea Salonga, Apl d Ap, Efren Bata Reyes, Donita Rose at Baron Geisler (sikat pa ba si Baron?). Marami pang ibang mga sikat na Angelenyo subalit tinatamad na akong mag-saliksik ng iba pa. Malapit lang ang Angeles sa mga lalawigang may dagat at iba pang pook pasyalan gaya ng Bundok Arayat, mga dagat ng Zambales at Pangasinan, Baguio, Olongapo, Maynila at ang bulkang Pinatubo.
Nang sumabog ang bulkan
Isang 'di 'ko makakalimutang karanasan sa aking buhay sa Angeles ay ang pagputok ng bulkang Pinatubo. Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay, ari-arian at lupain. Subalit tinuruan ako nito kung paano lumaban para mabuhay (survival). Kung paanong mabuhay sa isang kalagayan na walang mabibiling pagkain, walang agarang maiinom na tubig at walang kuryenteng magagamit. Ito ang aking lungsod, ito ang tahanan ng aking mga magulang at ng aking mag-ina. Dito ako ipinanganak, dito ako nagtapos ng pag-aaral, dito ako nakahanap ngtrabaho at malamang ay dito na rin ako sasapitin ng katandaan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong kaisipan sa teksto na maaring maiugnay sa iyong sarili bilang isang
Angeleos? Ipaliwanag
2. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nakikitaan mo ng katulad na kaugaliang
Angeleos sa iyong pamilya?
3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nagpapakita ng mga kaganapang
nangyayari sa buong komunidad ng Angeles na nararapat bigyang
pansin?
4. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay tumatak sa lipunang
Pilipino na batid na ng nakararami tungkol sa Angeleos?
5. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na nagpapakita ng kagalingan ng mga
Angelenos sa buong mundo?
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access with AI-Powered Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started