Answered step by step
Verified Expert Solution
Question
1 Approved Answer
Greetings! I got two separate tasks to do. Please take your time on them. TYSM in advance ^^ Task 1: FILIPINO Posisyong Papel ng Kagawaran
Greetings! I got two separate tasks to do. Please take your time on them. TYSM in advance ^^
Task 1: FILIPINO
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO, AT MAMAMAYANG PILIPINO Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Big. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum,, nababatid namin na pag- dagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-untingnilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura, at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa ma kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran. Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignature sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo. Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. Hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow sa Russia. Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura, at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang PINAGYAMANG PLUMA 85\fBasahin ang halimbawa ng Posisyong Papel sa Aralin 5 (google slide) pahina 84-86. Suriin ang halimbawa kasama ang inyong grupo ayon sa balangkas na RAPS. (Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel (About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel (Point 1) Punti 1 (Point 2) Punto 2 (Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Di Gaanong Mahusay 20 19 18 17 Napakahusay ng pagkakasuri Mahusay ang pagkakasuri sa Di-gaanong mahusay Hindi mahusay ang sa Posisyong Papel ayon sa Posisyong Papel ayon sa ibinigay na pagkakasuri sa Posisyong pagkakasuri sa Posisyong binigay na balangkas na balangkas na RAPS Papel ayon sa ibinigay na Papel ayon sa ibinigay na RAPS. balangkas na RAPS. balangkas na RAPSStep by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started