Answered step by step
Verified Expert Solution
Question
1 Approved Answer
me for my report script Based on this text, explain at length the understanding of the coclusion part into english text (pls do not use
me for my report script Based on this text, explain at length the understanding of the coclusion part into english text (pls do not use translation). Insert a lines / text in the analysis. REFERENCE/KONKLUSYION Mahalaga ang ambag ni Rizal bilang isang historyador sa paglalatag batay sa kasaysayan ng isang pagkakakilanlan para sa pagbubuo ng Nasyon. Ngunit naglathala siya mula sa ibang bansa. Mahigpit na binantayan ang sirkulasyon ng mga lathalaing laban sa pamahalaan at dahil na rin sa hindi pagiging malaganap ng kanyang mga Dublikasyon halimbawa sa La Solidaridad lalo na sa bavan na hindi nakakaintindi at naabot ng mga ito. Ngunit kung ninais ni Rizal na mabuo ang nasyon, anong klaseng nasyon? Ayon kay Salazar (2017, 257-264), dahil sa tunguhing Hispanisasyon o pakikipagkaisa sa Inang Espaa na tunguhin ng Kilusang Propaganda, ang konsepto ni Rizal ng nasyon ay hindi ang "Nacion-Estado" na tulad ng Madre Espaa kundi ang mga "pais" o "naciones" sa loob mismo ng Espaa, halimbawa ang Catalua at Vasconia o Euskal Herria. Matatandaang ang Espaa ay binubuo rin ng iba't ibang mamamayang may sariling pagkakakilanlan na nagpasailalim sa isang nagkakaisang kaharian. Mauuwi na sana ito sa wala, ngunit isang tao ang magiging susi sa pagpapasa ng diwa ng mga sinulat ni Rizal sa bayan. Isa sa mga unang akdang makabayan ni Rizal ang sanaysay na "El Amor Patrio" na inilathala ni Marcelo del Pilar sa kanyang Diariong Tagalog bilang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" noong 1882 (Rizal 1882). Sa aking palagay, baka nga mas naging impluwensyal ang Diariong Tagalog sa mga naabot nito dahil gumamit ito ng wika ng bayan. Mapapansing si Andres Bonifacio, ang tagapagtatag g Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan na siyang unang naggalaw ng pambansang himagsikan, ay may tula na may kahalintulad na pamagat sa sanaysay ni Rizal. Nabasa ni Bonifacio ang sanaysay ni Rizal at nais niyang ilagay ang diwa nito, bagama't hindi ang kabuuan, sa kanyang tula (Almario 2012, 87-95). Kung titingnan ang isang editing copy ng tula ni Bonifacio na ito sa sulat-kamay ng patnugot ng diyaryong Kalayaan na si Emilio Jacinto na natagpuan sa Archivo General Militar de Madrid, makikitang naglagay sila ng epigraph bago ang tula (Bonifacio 1896b, 195). Sarili nila itong salin sa unang saknong ng "Canto de Maria Clara" sa Noli Me Tangere: Panaho'y matamis tinubuang Bayan at pawang pang lugd ang balamng matanaw ang simoy sa parang ay panghatid buhay tapat ang pag-irog, sulit ang mamatay ] Rizal (Bonifacio 1806b, 195). Malinaw itong ebidensyang inuugnay talaga nina Bonifacio at Jacinto ang tula na ito kay Rizal, na siya namang naunang sumulat noong 1882 ukol sa paksa ng tula. Ngunit ang nakagugulat, ang pagkakaroon ng saknong para sa tatluhang pananaw sa kasaysayang mababasa sa mga akda n mga Propagandista: Ang nangakaraang panahun ng aliw ang inaasahang araw na darating ng pagkatimawa ng mga alipin liban pa sa Bayan, saan tataghalin? (Bonifacio 1896b, 196) Sa tanungan sa mga bagong kasapi ng Katipunan, itinatanong din ang tatluhang pananaw sakasaysayan: Ano ang kalagayan nitong ating lupa noong uala pa ang mga Kastila? AnO ang lagay nitong Sangkapuluang Filipinas ngayo't, kapangyarihan ng mga Kastila? .......Kung sakali maalis sa mga Kastila itong Filipinas at mapa sa pamamahala ng tagalog na siyang tunay na may are, ano Kaya ang mazugug kalagayan? (WA w.tn., 104). At sumulat din si Bonifacio mismo ng sanaysay na pinamagatang "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" na tila sumusuma sa tatluhang pananaw sa kasaysayang Pilipino ni Rizal (bagamat tulad ng nabanggit na sa mas naunang bahagi, nagmula pa ito sa mga sinaunang epiko). Ngunit ang tunguhin na'y ang liwanag ng pambansang kalayaan: Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tund na mga kababayan. ay nabubuhay sa luDos na kasaganaan, kaginhawaaan.... Dumaun9 ane Kastila dumulog nakipagkaibigan... sila'y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani- kanilang mga ugat, at yao y inihalo't ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian..... Ngayon sa lahat ng ito'y..... ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan?... Wala kundi pawang kataksilan.... Ano ang nararapat nating gawin?..... tayo'y umasa sa atin at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo'y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo'y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan (Bonifacio 1896a, 189-191). Kaya naman, bagama't hindi sumasang-ayon si Constantino sa pagka-National Hero ni Rizal, may itinira naman itong pagkilala sa kana sa pagkakaroon ng mahalagang ambag sa pagbubuo ng bansa: As a social commentator, as the exposer of oppression, he performed a remarkable task. His writings were part of the tradition of protest which blossomed into revolution, into a separatist movement. His original aim of elevating the indio to the level of Hispanization of the peninsular so that the country could be assimilated, could become a province of Spain, was transformed into its opposite. Instead of making the Filipinos closer to Spain, the propaganda gave root to separation. The drive for Hispanization was transformed into the development of a distinct national consciousness. Rizal contributed much to the growth of this national consciousness. It was a contribution not only in terms of propaganda but in something positive that the present generation of Filipinos will owe to him and for which they will honor him by completing the task which he so nobly began. He may have had a different and limited goal at the time, a goal that for us is already passe, something we take for granted. However, for his time this limited goal was already a big step in the right direction. This contribution was in the realm of Filipino nationhood--the winning of our name as a race, the recognition of our people as one, and the elevation of the indio into Filipino (Constantino 1969, 16-17). Kaya naman, anumang nasyon ang inadhika ni Rizal-bilang "Nacion-Estado" man na hiwalay sa Espaa o "naciones" sa ilalim ng Madre Espaa ay hindi na ganoong kahalaga, sapagkat itinawid ni Bonifacio si Rizal upang maintindihan ng bayan. Nang sa gayon, anuman ang ambivalence o pagkalito ni Rizal sa kung ano ba ang Pilipino, mawawalan ng saysay dahil dadalhin ang ideya ng tatluhang pananaw sa kasaysayan ni Bonifacio tungo sa pagbubuo g Haring Bayan na hindi batay sa Kanluraning pilosopiya, kundi sa kapatiran at pagkakaisa ng mga anak ng bayan sa ilalim ni Inang Bayan. At ano ang saysay? Dahil ngayong panahong ito, higit kailanman, kailangang manariwa sa atin na tayo ay dapat magdamayan at magmahalan anuman ang ating pagkakaiba-iba dahil nasa lisang bangka lamang tayo bilang mga Pilipino. Kahit tingnan ninyo pa ang Facebook feed ninyo. Sanggunian Abrera. Ma. Bernadette at Dedina Lapar, mga pat. 1992. Paksa. Paraan. ar bananaw sa Kasaysayan. Quezon City: University of the Philippines Departamento ng Kasaysayan, Bahay-Saliksikan ng Kasaysaya, at Univesity of the Philippines Lipunang Pangkasaysayan
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started