Answered step by step
Verified Expert Solution
Question
1 Approved Answer
Need your help regarding this Activities I'll surely give you feedback. 9 Gawain 2. Suriin ang sumusunod na adbertisment mula sa isang pahayagan. Adbertisment ito
Need your help regarding this Activities I'll surely give you feedback.
9 Gawain 2. Suriin ang sumusunod na adbertisment mula sa isang pahayagan. Adbertisment ito tungkol sa gatas ng sanggol. Pahalagahan ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Mahirap talagang mahiwalay kay baby. Hindi mapanatag ang loob ni mommy. Kaya kailangang pakainin si baby ng mga masustansiyang pagkain at karagdagang sustansiya Gatas Lusog. A quality milk supplement na abot-kaya! May apat na bitamina at mineral. Mayaman sa sustansiya sa murang halaga. Upang matulungan si baby na lumaking masigla at masaya. Para sa kalusugan ni baby... para mapanatag ang loob ni mommy. Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang adbertisment? 2. Anong mga salita ang magpapatibay na isa nga itong adbertisment? 3. Paano ginagamit ang mga salita sa adbertisment? May panghihiram ba ng mga salita o wala? Patunayan. Nasagot mo ba nang ang mga tanong? Ang pagsagawa ng mga paunang gawain ay isang paraan upang maihanda ka sa pagtalakay ng ating aralin. 10 Suriin10 Suriin Ating Alamin: Ang wika ay sinasalita nang ayon sa gamit o sitwasyong paggagamitan nito. Isang katotohanan na penomenon o pangyayaring panlipunan ang wika kaya't dapat na lalo pang pahalagahan ang mga konseptong pangwika tulad ng: wika, wikang pambansa, wikang panturo, wikang opisyal, bilingguwalismo, multilingguwalismo, lingguwistikong komunidad, unang wika, pangalawang wika; gayundin ang pag-aaralan sa araling ito na: register at barayti ng wika. Maraming naghahambing ng register sa diyalekto. Ngunit ano ang register? Ang register ay baryasyon batay sa gamit, samantalang ang diyalekto ay batay sa taong gumagamit. Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punong-guro, iba rin ang gamit niyang register kapag kausap niya ang mga kasamahang guro, at lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang kaniyang mga mag-aaral. Isang pinanggagalingan ng mga baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit. Halimbawa ng ilang sitwasyon: 1. Paki-react ng post na nasa timeline ko, paki-share na lang din sa fb friends mo... thank you Pagsusuri: mahihinuhang ipinadala ang mensahe sa pamamagitan ng social media platform 2. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Lagyan ng kaunting tubig, pakuluin, timplahan, ilagay ang giniling, huli ang patatas. Pagsusuri: mula naman sa isang resipe 3. Alis mantsa, alis amoy, malambot sa damit. Pagsusuri: isang adbertisment Samantala, ipinahayag ni Alonzo (2002) na ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo o makabuluhang katangian na nag-uugnay sa uri ng sosyo- sitwasyonal. 1 1 Barayti ng Wika Kahulugan Halimbawa 1. Idyolek Ito ay personal na "Magandang Gabi paggamit ng salita ng Bayan" - Noli de Castro11 Barayti ng Wika Kahulugan Halimbawa 1. Idyolek Ito ay personal na "Magandang Gabi paggamit ng salita ng Bayan" - Noli de Castro isang indibidwal. Bawat "Hindi ko kayo indibidwal ay may istilo tatantanan" Mike sa pamamahayag Enriquez pananalita. 2. Dayalek Ito ay nalilikha dahil sa "Mahal kita" - Tagalog heograpikong 'Langga ta gid ka" kinaroroonan. Ang Hiligaynon barayti na ito ay ginagamit ng tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tinitirhan. 3. Sosyolek Ito ay uri ng barayti na "Oh my God! It's So pansamantala lang gat mainit naman dito. ginagamit sa isang (Naku, ang init naman partikular na grupo. dito!) 4. Etnolek Nalikha mula sa salita Palangga sinisinta, ng mga minamahal etnolingguwistikong Bulanim - pagkahugis grupo/komunidad. ng buo ng buwan Nagkaroon ng iba't ibang etnolek dahil sa maraming pangkat etniko. 5. Ekolek Ito ay kadalasang "Gisingin mo na Si ginagamit sa ating bunso" tirahan. Ito ay Palikuran - banyo o kadalasang nagmumula kubeta sa bibig ng bata at Papa - ama/tatay matanda. Mama - ina/ nanay Homogeneous- Sa konseptong ito ng wika, ipinahahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng language universals. Ibig sabihin, lahat ng wika ay may bahagi ng pananalitang pangngalan at pandiwa. Karaniwang isa lamang ang layunin at ang gumagamit, isa lamang ang gamit ng wika. Heterogeneous- Sa konseptong ito ng wika, iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Halimbawa, sa Pilipinas, ang pagiging multilingual ay nagsasabi na nag-iiba ang wika. 12\fUsong-uso ngayon ang mga inuming mayaman sa Calcium. Di nga ba't bukambibig na ang osteoporosis o paglutong ng mga buto? Kung mahilig tayo sa mga prutas, narito ang pinakamayaman hindi lamang sa calcium kundi pati na rin sa folic acid, iron, protina, at Vitamin A, B1, B2, B3, at C: kiwi, papaya, melon, strawberry, manga at orange. -Halaw sa Health and Family, 2000- (Magasin) Ayon sa teksto big. 2, isa-isahin ang mga prutas na mayaman sa calcium at iba pang bitamina. 13 3. Diabetes Ano ang diabetes? Ang diabetes o diabetes mellitus ay isang sakit na dulot ng kawalan ng kakayahan ng katawang gamitin ang asukal (tinatawag na glucose) mula sa pagkain, sa ilalim ng normal na kondisyon. Nagiging resulta ito ng mataas na level ng asukal sa daloy ng dugo. Ang blood sugar level na lumalagpas sa normal value na 3.3- 6.6 mmoL/.1 ay maaaring makasama sa mga himaymay ng katawan at sa kalaunan ay magiging sanhi ng malawakang pagkasira ng tissue. Ang uri ng diabetes ay dalawa. Una, umaasa sa insulin na karaniwang matatagpuan sa bata o adolescent, ang timbang ay karaniwang normal o mababa sa normal at kumakatawan sa 15 porsyento ng mga diabetic. Ikalawang uri, 'di umaasa sa insulin, karaniwang natatagpuan sa 40 taong gulang, ang katawan ay nagpoprodyus ng normal na antas ng insulin ngunit 'di ito nagagamit nang mabuti at kumakatawan sa 85 porsyento ng mga diabetic. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, 2008. Grandwater Publications Ipaliwanag kung ano ang sakit na diabetes. Paano nagkakaroon ng sakit na itoStep by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started