Answered step by step
Verified Expert Solution
Question
1 Approved Answer
pls help ty yt link for act 2: https://www.youtube.com/watch?v=ikdZul2Eog4 Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling angis pang katawagan sa
pls help ty
yt link for act 2: https://www.youtube.com/watch?v=ikdZul2Eog4
Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling angis pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salila ang Wika. Katulad ng language, tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, Samakatuwid ang wika - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngufiit mas kadalasang mayroon. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ang pangunahin at pmakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong kabilang sa isang kultura. Binigyang katuturan naman nina Constantino at Zafra ang wika bilang kalipunan ng mga saliia at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao. Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na Tikas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Gayunpama'y naiiba ito sa mga pangkaraniwang sining dahil ang tao'y may likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paghagakgak ng mga bata; wala kasing batang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bake o sumulat. Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyangpansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating pagpapahayag mula pa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto na ang wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito'y isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa pamamagitan ng wika kaya't nararapat lang na pagyamanin at gamitin nang naaayon sa angkop na layunin. Kahalagahan ng Wika May apat na pangunahing halaga ang wika: 2. 3. 4. Instrumento ng komunikasyon. Ang mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa. Wika ang ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Sa pamamagitan nito tayo ay nakapagpapahayag ng ating mga naiisip, ng ating mga damdamin at karanasan. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. Maraming kaalaman ang naitago at naibunyag dahil sa pag-iingat ng mga taong bumuo ng isang ideya, opinyon, mga tuklas, mga imbensyon, mga panulat na gumamit ng wika. Ito ay napalaganap sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga ito sa mga aklat. Nagbubuklod ng bansa. Walang pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga tao kung wala ang wika: pasulat o pasalita man. Nabubuklod ang bayan at ang mga tao dahil sa wika at maaring gamitin sa pakikihamok, pakikipaglaban, pagpapahalaga at pagtitipon. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip. Ang ating naririnig, napapanood ay nagdudulot sa atin ng mga damdamin nagpapaiyak, nagpapatawa, nagpapainis at nagpapaawa. Nagpapagana at lumitikha ng
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started