Question
1. Ang uri na ito ng teksto ay nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang kanyang posisyon sa isang tiyak na paksa na may paggamit ng mga
1. Ang uri na ito ng teksto ay nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang
kanyang posisyon sa isang tiyak na paksa na may paggamit ng mga
ebidensiya. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatibo
2. Ang uri na ito ng teksto ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Anong uri ng teksto ang
tinutukoy?
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatibo
3. Ang uri na ito ng teksto ay nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung
paano isasagawa ang isang tiyak na bagay. Anong uri ng teksto ang
tinutukoy?
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatibo
4. Ang uri na ito ng teksto ay may layuning makapagbigay ng sunod- sunod na
direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang
isang gawain. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatibo
5. Ang uri na ito ng teksto ay gumagamit ng empirical na pananaliksik. Anong uri
ng teksto ang tinutukoy?
A. Tekstong Persuweysib C. Tekstong Prosidyural
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatibo
6. Tinutukoy nito ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur.
A. Layunin C. Hakbang/ Metodo
B. Kagamitan/ Sangkap D. Kongklusyon/ Ebalwasyon
7. Dito papasok ang mga kagamitang dapat gamitin para maisakatuparan ang
gawain.
A. Layunin C. Hakbang/ Metodo
B. Kagamitan/ Sangkap D. Kongklusyon/ Ebalwasyon
8. Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
A. Layunin C. Hakbang/ Metodo
B. Kagamitan/ Sangkap D. Kongklusyon/ Ebalwasyon
9. Ito ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyural.
A. Layunin C. Hakbang/ Metodo
B. Kagamitan/ Sangkap D. Kongklusyon/ Ebalwasyon
10. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na "paano".
A. Layunin C. Hakbang/ Metodo
B. Kagamitan/ Sangkap D. Kongklusyon/ Ebalwasyon
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay Wasto at kung ito'y hindi wasto , isulat
naman ang MALI.
11. Mayroong tatlong elemento ng pangangatuwiran, proposisyon, argumento at
ebidensiya.
12. Ang empirical na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa
pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon.
13. Isang piksyon na sulatin ang tekstong persuweysib.
14. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang
nakapaloob dito.
15. Hindi naman hinihingi ang malalim na pananaliksik sa pagbuo ng tekstong
persuweysib dahil sapat na ang sariling kabatiran ng manunulat hinggil sa
isyu.
16. Ang tekstong prosidyural ay may apat na nilalaman, layunin, kagamitan,
metodo at ebalwasyon.
17. Isa sa katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo ay maikli ngunit
malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
18. Naglalahad ng sariling karanasan bilang ebidensiya sa isang tekstong
argumentatibo.
19. Ang argumento ay tumutukoy sa mga pahayag na inilalahad upang pagtalunan
o pag-usapan.
20. Ang proposisyon ay tumutukoy sa paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya
upang maging makatuwiran ang isang panig.
Step by Step Solution
There are 3 Steps involved in it
Step: 1
Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions
See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success
Step: 2
Step: 3
Ace Your Homework with AI
Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance
Get Started