Answered step by step
Verified Expert Solution
Link Copied!

Question

1 Approved Answer

hi! im a grade 10 student from philippine please help me out I haven't review the dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon because

hi! im a grade 10 student from philippine please help me out I haven't review the "dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon" because I'm sick and I cant attend class pls help out this is only 15 items plss

subject AP

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap na may kaugnayan sa dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Piliin ang titik ng tumpak na kasagutan.

1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi kabilang sa dahilan ng migrasyon? *

A. Si Lenin ay nagtungo sa Hawaii sa loob ng dalawang taon matapos na mabigyan ng scholarship sa isang unibersidad doon.

B. Si Isay ay magtutungo sa Kuwait upang magtrabaho bilang isang yaya at tutor sa loob ng dalawang taon.

C. Nakasama si Rhyz sa delegasyon ng Pilipinas na tutungo sa South Korea para sa isang linggong komperensya ng economic summit.

D. Makakasama na ni Daney ang kaniyang pamilya sa Canada matapos ang limang taon na pag-iintay sa kaniyang petisyon.

2. Papaano nakakaapekto sa aspetong pampulitika ng bansa ang isyu ng migrasyon?

A. Humihina ang damdaming nasyonalismo dahil sa pagdami ng mga dayuhan na wala namang pakialam sa kaganapang pampulitika sa bansa

B. Itinataguyod ang karapatang pantao ng bawat iisa maging nasyonal man o dayuhan.

C. Gumagawa ng iba't ibang polisiya at batas upang proteksyunan ang mga mamamayan nitong nagtungo sa ibang bansa at mga dayuhan na nanatili dito sa bansa.

D. Napipilitang sumang-ayon sa isa't isa ang bawat bansa upang hindi maapektuhan ang mga

3. Si Jeffrey ay magtutungo sa Canada dahil siya ay napetisyon na ng kaniyang asawa. Permanente na silang maninirahan doon at magpapapalit na rin siya ng citizenship. Paano makakaapekto sa Canada ang paninirahang ito ni Jeffrey at ng kaniyang pamilya?

A. Lahat ay tama.

B. Madaragdagan ang populasyon ng bansa.

C. Ang kaniyang lakas at kakayahan ay mapapakinabangan ng bansa.

D. Dagdag siya sa bilang ng manggagawang manwal na makakatulong sa pagtaas ng kitang ekonomikal ng Canada.

4. Si Jana ay nakapagtapos ng cum laude bilang engineer. Gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa upang makakuha ng mas malaking sahod para matulungan ang kaniyang pamilya. Marami pang iba na katulad niya ang may ganitong desisyon sa buhay. Paano ito direktang makakaapekto sa pag-unlad ng bansa?

A. Masasayang ang pondong inilaan ng pamahalaan halimbawa sa libreng edukasyon kung di naman sila maglilingkod sa bansa.

B. Mababawasan ang human capital ng bansa na siya sanang mangunguna sa inobasyon at pagpapabuti sa pamumuhay ng mamamayan.

C. Dadami ang suliraning pampamilya tulad ng broken family dahil nagkakawalay ang ama at ina.

D. Darami ang mga dayuhang manggagawa sa bansa bilang kapalit nila kung mag-aalisan sila.

5. Tumambad sa mga balita sa kasalukuyan ang muling paglakas ng grupong Taliban sa Afghanistan. Ito ay nagdulot ng pagdami ng refugees. Isa mga sumusunod ang HINDI DAHILAN ng migrasyon ng mga refugees sa ibang lugar o bansa.

A. Tumatawid ng mga international boundaries ang mga refugees upang makaligtas sa sigalutan sa kanilang pinagmulang bansa.

B. Ang mga refugees ay produkto ng digmaan sa kanilang bansa.

C. Umaalis sila sa kanilang pinagmulang bansa dahil sila ay pinaparusahan o pinapatay dahil hindi kapareho ang paniniwala nila sa nasa kapangyarihan.

D. Sila ay mga taong naimbitahan na manirahan sa ibang bansa upang madagdagan ang kanilang populasyon.

6. Papaano nakakaapekto ang pag-abante ng teknolohiya sa migrasyon ng mga tao patungo sa ibang lugar o bansa?

A. Makikita sa social media ang mga posts ng mga kakilala tungkol sa bansang kanilang pinuntahan.

B. Lahat ay tama.

C. Sa pag-aaply ng trabaho sa ibang bansa ay nasasabi na ng employer ang mga benepisyo na makukuha niya sa pag-uusap o pag-iinterview nila gamit ang tele-conferencing.

D. Kabi-kabila ang mga promotional advertisement tulad ng mga discount sa pamasahe sa eroplano sa iba't ibang panahon sa iba't ibang media platforms.

7. Nagtungo si Mervin sa Oman upang maging arkitekto at nakita niya ang iba't ibang suliranin kinaharap ng mga kapwa niya Pilipino dulot ng economic migration. Ang lahat ay suliraning dulot ng economic migration MALIBAN SA ISA.

A. Kinukuha ng mga amo o employer ang kanilang passport.

B. Napupunta ang tao sa ibang trabaho taliwas sa kanilang pinirhamang kontrata.

C. Nagpapakasal sa mga dayuhan upang maging permanenteng mamamayan ng bansang pinuntahan.

D. Nakakakaranas ng matinding pisikal, sekswal at saykologikal na pang-aabuso.

8. Suliranin ng migrasyon ang kabi-kabilang krimen ng human trafficking sa buong mundo. Sa papaanong paraan mo magagamit ang teknolohiya sa pagpigil sa paglaganap nito?

A. Magpopost ng mga impormasyon upang mapataas ang kaalaman at awareness ng mga tao sa iba't ibang porma ng human trafficking.

B. Iuulat sa kinauukulan kung may mga pag-abusong nagaganap sa mga kakilala, kaibigan at kapamilya.

C. Lahat ay tama.

D. Gagawa ng vlog na naghihikayat na maging ma-ingat sa paggamit ng teknolohiya upang di maging biktima ng human trafficking.

9. Halos isang bilyon ang mga migrante sa buong mundo at ang kalahati nito ay mga kababaihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang PINAKAMABIGAT na isyu sa seryosong usapin para sa mga kababaihan sa pagtungo nila sa ibang bansa?

A. Nakararanas sila ng diskriminasyon sa ibang bansa , una ay bilang babae at pangalawa ay bilang migrante.

B. Ang babae ang umaakto ng gawaing panlalaki sa tahanan kung ang lalaki sa pamilya ang aalis.

C. Nakararanas ng kakulangan sa mga serbisyong mekical ang mga kababaihan lalo na sa sexual at reproductive health.

D. Ang mga kababaihang migrante ay higit na nahaharap sa kapahamakan tulad ng human trafficking, mala-aliping kalagayan at karahasan.

10. Suriin ang dalawang pangungusap sa ibaba tungkol sa epekto ng migrasyon ng mga tao sa bansang pupuntahan.

A. Kikita ang bansa dahil mas mababa ang pasahod nila sa mga dayuhan kumpara sa mga lihitimong mamamayan nito.

B. Maaaring pagmulan ng di pagkakasundo sa pananaw at paniniwalala sa bansa ang mga taong ito.

A. Parehong mali ang dalawang pangungusap.

B. Parehong tama ang dalawang pangungusap.

C. Tama ang pangungusap B at mali ang pangungusap A.

D. Tama ang pangungusap A at mali ang pangungusap B.

11. Nagtungo si Zyra sa bansang Taiwan bilang factory worker upang makatulong sa pangangailangan ng kaniyang pamilya kahit wala siyang tunay na dokumento o permit para magtrabaho. Siya ay halimbawa ng isang irregular migrant. Paano makakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa ang pagdami ng irregular migrants na katulad ni Zyra?

A. Dumarami ang kaso ng human trafficking at pang-aabuso sa mga irregular migrants.

B. Napupunan nila ang kakulangan sa mga skilled hanggang high-skilled na mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga pormal at impormal na sektor ng paggawa.

C. Pagtaas ng kaso ng krimen at suliraning pangseguridad dahil sila ay di ligtas sa mga pagsasamantala.

D. Bumababa ang pambansang kita ng bansa dahil di nila nakukuhanan ng buwis ang mga taong ito na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

12. Dati, South Korea ang nagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa. Sa kasalukuyan ay dinarayo na rin ang bansang ito upang panirahan at pagkunan ng hanap buhay ng mga dayuhan. Ito ay halimbawa ng Migration Transition. Alin sa mga sumusunod ang dahilan nito?

A. Malakas ang impluwesya ng K-pop kaya naeengganyo ang mga taon a magtungo sa South Korea.

B. Naging highly industrialized na bansa ang South Korea.

C. Maganda ang klima ng bansa.

D. Kakaunti lamang ang lakas paggawa sa South Korea dulot ng matandang populasyon nito.

13. Suriin ang dalawang epekto ng migrasyon sa bansang pinanggalingan bukod sa pagkakaroon ng mabuting buhay at ikakabuhay ang tao.

A. Mas mababa ang gastos ng bansa dahil mababa ang sahod ng mga migrants kumpara sa mga nationals nito.

B. Tataas ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagpasok ng mga remittance o padalang pera.

A. Parehong mali ang dalawang pangungusap.

B. Tamaang pangungusap A at mali ang pangungusap B.

C. Parehong tama ang dalawang pangungusap.

D. Tama ang pangungusap B at mali ang pangungusap A.

14. Iba-iba ang epekto ng migrasyon sa mga bansang pupuntahan gayundin sa lilisanin ng mga tao. Alin sa mga sumusunod ang DI-MABUTING EPEKTO ng migrasyon sa bansang kanilang pinanggalingan?

A. Pagkawala ng balanse sa dami ng bilang ng babae at lalaki dahil umaalis ang mga kalalakihan upang paghanap-buhay sa ibang lugar.

B. Pagtaas ng bilang ng pagkawala ng mga mamamayang may kasanayan at pinag-aralan dahil nag-aabroad ang mga ito.

C. Pagtaas ng populasyon sa pupuntahang lugar na nagdudulot ng pagtaas ng krimen at iba pang isyung pangseguridad.

D. Pagbaba ng potencial workforce.

15. Piliin ang pinakaangkop na karugtong ng pahayag sa ibaba kaugnay sa paglalarawan ng migrasyon bilang resulta ng globalisasyon. "Dahil sa Globalisasyon ____________________________.

A. nabigyan ng pagkakataon ang mga taong may kakayahan at kasanayan na maghanapbuhay sa ibang bansa sa higit na mataas na sahod.

B. bumababa ang aging group ng ibang bansa sa pagtungo ng mga migrants dito.

C. tumataas ang bilang ng populasyon ng bansang pinagtutunguhan na kung saan ay nakakatulong sa pagtaas ng kitang ekonimikal ng bansa.

D. nababawasan ang unemployment sa bansang pinanggalingan.

if ever you don't know the topic you can check this: https://drive.google.com/file/d/1zYHtYZGuWsKRn1KeUTfuTogX6xtoLdlh/view?usp=sharing

thank you so much :))

Step by Step Solution

There are 3 Steps involved in it

Step: 1

blur-text-image

Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions

See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success

Step: 2

blur-text-image

Step: 3

blur-text-image

Ace Your Homework with AI

Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance

Get Started

Recommended Textbook for

Microeconomics

Authors: Paul Krugman, Robin Wells

5th edition

1319098780, 1319098789, 978-1319098780

More Books

Students also viewed these Economics questions

Question

State the primary defining feature of a database management system.

Answered: 1 week ago

Question

Context, i.e. the context of the information presented and received

Answered: 1 week ago