Answered step by step
Verified Expert Solution
Link Copied!

Question

1 Approved Answer

Subject: ARALIN PANLIPUNAJN Lesson: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektivo Paksa: Anyo ng Globalisasyon Tatalakayin sa paksang ito ang mga anyo ng globalisasyon

image text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribed

Subject: ARALIN PANLIPUNAJN

Lesson:

image text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribedimage text in transcribed
MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA Aralin Globalisasyon: Konsepto at Perspektivo Paksa: Anyo ng Globalisasyon Tatalakayin sa paksang ito ang mga anyo ng globalisasyon na makatutulong sa pagsusuri ng penomenong ito. GLOBALISASYONG EKONOMIKO Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. MULTINATIONAL AT TRANSNATIONAL COMPANIES Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol). Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald's, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa. Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o korporasyon sa iba't ibang panig ng daigdig. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital. Sa katunayan, batay sa datos ng International Monetary Fund, ang ilan sa mga MNCs at TNCs ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa.Suriin ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng mga kompanya at bansa kasama ang kanilang kaukulang kita sa taong 2011. Kompanya Kita Bansa GDP Yahoo $6.32 billion Mongolia $6.13 billion Visa $8.07 billion Zimbabwe $7.47 billion eBay's $9.16 billion Madagascar $8.35 billion Nike $19.16 billion Paraguay $18.48 billion Mcdonald $24.07 billion Latvia $24.05 billion Amazon $32.16 billion Kenya $32.16 billion Pepsi $57.83 billion Oman $55.62 billion Apple $65.23 billion Ecuador $58.91 billion Procter and $79.69 Libya $74.23 billion Gamble Ford $128.95 billion Morocco $103.48 billion GE $151.63 billion New Zealand $140.43 billion Walmart $482 billion Norway $414.46 billion Batay sa talahanayan, ano kaya ang implikasyon nito sa ma bansa kung saan sila matatagpuan? Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Binigyang pansin dito ang halaga ng mga nasabing korporasyon sa pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang ilang korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation, ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy na paglago. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili. Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan ng iba't ibang bansa tulad ng pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulong-pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran. Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman ng nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsama- samang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig! OUTSOURCING Bukod sa mga nabanggit, ang pagdami ng outsourcing companies ay maituturing na manipestasyon ng globalisasyon. Hindi na bago ang konsepto ng outsourcing dahil marami na ang gumagamit nito partikular sa malalaking pribadong kompanya. Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang. Dahil dito mas napagtutuunan nila ng pansin ang higit na mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta (aggressive marketing) ng kanilang produkto at serbisyo na nagbibigay naman ng malaking kita. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Nariyan din ang Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod: 1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas maba- bang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing com- panies mula United States, at mga bansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga kompanya mula sa bansang Asyano tulad ng In- dia at Pilipinas. Marami sa mga outsorcing companies sa bansa ay tinatawag na Business Process Out- sourcing na nakatuon sa Voice Processing Services. Ilan sa mga gawaing kalakip nito ay pagbebenta ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo at produkto, pagkuha ng order ng isang produkto at serbisyo, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng mga na-6. Ang transnational companies ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. 7. Ang Jolibee Corporation ay hindi pag-aari ng isang Pilipino. 8. Ang pangunahing siyudad sa buong mundo na destinasyon ng BPO ay Manila. 9. Sa ekonomiya lamang makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. 10. Ang Knowledge Process Outsourcing ay uri ng Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya GAWAIN 2: Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot. 1. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba't ibang panig ng mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino? A. Jolibee B. Mcdonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab 2. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito? A. outsourcing B. fair trade C. subsidy D. pagtulong sa bottom billion 3. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo- kultural maliban sa isa. Alin dito? A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building 4. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Paggawa C. Migrasyon B. Ekonomiya D. Globalisasyon 5. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba't ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural B. Teknolohikal D. Sikolohikal 6. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito? EKONOMIKAL SOSYU-KULTURAL GLOBALIZATION POLITIKAL A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao. B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural. C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. 7. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang A. edukasyon, pamumuhunan at isports B. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal D. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya

Step by Step Solution

There are 3 Steps involved in it

Step: 1

blur-text-image

Get Instant Access to Expert-Tailored Solutions

See step-by-step solutions with expert insights and AI powered tools for academic success

Step: 2

blur-text-image

Step: 3

blur-text-image

Ace Your Homework with AI

Get the answers you need in no time with our AI-driven, step-by-step assistance

Get Started

Recommended Textbook for

Industrial Relations in Canada

Authors: Fiona McQuarrie

4th Edition

978-1-118-8783, 1118878396, 9781119050599 , 978-1118878392

More Books

Students also viewed these Economics questions